Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 15

وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِكُمْ وَأَنْهَارًا وَسُبُلًا لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ 15 ١٥

Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo, mga ilog, mga landas nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan, (15)

Tafsīr
Naglapat Siya sa lupa ng mga bundok na nagpapatatag dito upang hindi yumanig ito sa inyo at kumiling. Nagpadaloy Siya rito ng mga ilog upang uminom kayo mula sa mga ito at magpatubig kayo ng mga hayupan ninyo at mga pananim ninyo. Gumawa Siya ng mga daang tatahakin ninyo kaya makararating kayo sa mga pakay ninyo nang hindi kayo maligaw.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba