Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 23

لَا جَرَمَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْتَكْبِرِينَ 23 ٢٣

Walang pasubali na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki. (23)

Tafsīr
Sa totoo, tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim ng mga ito na mga gawain at nakaaalam sa anumang inihahayag ng mga ito na mga gawain. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga iyon. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki sa paglayo sa pagsamba sa Kanya at pagpapasailalim sa Kanya, bagkus namumuhi Siya sa kanila nang pinakamatinding pagkamuhi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba