Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sasabihin sa mga nangilag magkasala: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” Magsasabi sila: “Kabutihan.” Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay isang maganda. Talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay at higit na mabuti. Talagang kay inam ang tahanan ng mga tagapangilag magkasala: (30)
Tafsīr
Sasabihin sa mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya: "Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo sa Propeta ninyong si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya?" Sasagot sila: "Nagbaba si Allāh sa kanya ng isang kabutihang dakila." Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsamba kay Allāh at gumawa ng maganda sa pakikitungo sa nilikha Niya sa buhay na ito sa Mundo ay isang gantimpalang maganda, na kabilang dito ang pag-aadya at ang luwag ng panustos. Ang anumang inihanda ni Allāh para sa kanila na gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa minadali Niya para sa kanila sa Mundo. Talagang kay inam bilang tahanan ng mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ang tahanan sa Kabilang-buhay.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: