Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 31

جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ لَهُمْ فِيهَا مَا يَشَاءُونَ ۚ كَذَٰلِكَ يَجْزِي اللَّهُ الْمُتَّقِينَ 31 ٣١

mga Hardin ng Eden na papasukin nila, na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ukol sa kanila roon ang anumang loloobin nila. Gayon gaganti si Allāh sa mga tagapangilag magkasala, (31)

Tafsīr
Mga hardin ng pananatili at pamamalagi na papasukin nila, dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito. Ukol sa kanila sa mga harding ito ang anumang ninanasa ng mga sarili nila na pagkain, inumin, at iba pa sa mga ito. Katulad ng pagganting ito na igaganti ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gaganti Siya sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga kalipunang nauna,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba