Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang mga nagtambal: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi kami sumamba sa isang anuman bukod pa sa Kanya: [hindi] kami ni ang mga ninuno namin, at hindi kami nagbawal ng isang anuman bukod pa sa ayon sa Kanya.” Gayon gumawa ang mga bago pa nila. Kaya may kailangan pa kaya sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe]? (35)
Tafsīr
Nagsabi ang mga nagtambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila: "Kung sakaling niloob ni Allāh na sumamba kami sa Kanya lamang at hindi kami magtambal sa Kanya ay talaga sanang hindi kami sumamba sa isa mang iba pa sa Kanya, hindi kami at hindi ang mga ninuno namin bago pa namin. Kung sakaling niloob Niya na hindi kami magbawal ng anuman ay hindi kami nagbawal niyon." Katulad ng bulaang katwirang ito nagsabi ang mga naunang tagatangging sumampalataya. Kaya walang kailangan sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag ng ipinag-utos sa kanila na ipaabot, at naipaabot naman nila. Walang katwiran para sa mga tagatangging sumampalataya sa pagdadahilan sa pagtatakda matapos na gumawa si Allāh para sa kanila ng kalooban at pagpipili at nagpadala Siya sa kanila ng mga sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: