Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 39

لِيُبَيِّنَ لَهُمُ الَّذِي يَخْتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّهُمْ كَانُوا كَاذِبِينَ 39 ٣٩

upang maglinaw Siya sa kanila ng anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at upang makaalam ang mga tumatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling. (39)

Tafsīr
Bubuhay sa kanila si Allāh sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon upang magpaliwanag Siya sa kanila ng katotohanan ng bagay na sila dati ay nagkakaiba-iba hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya, pagbubuhay, at pagkapropeta, at upang makaalam ang mga tagatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling sa pag-aangkin nila ng mga katambal kasama kay Allāh at sa pagkakaila nila sa pagbubuhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba