Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 48)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 48

أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَىٰ مَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ يَتَفَيَّأُ ظِلَالُهُ عَنِ الْيَمِينِ وَالشَّمَائِلِ سُجَّدًا لِلَّهِ وَهُمْ دَاخِرُونَ 48 ٤٨

Hindi ba sila nakakita sa mga nilikha ni Allāh na anuman? Humihilig ang mga anino ng mga iyon sa dakong kanan at sa mga dakong kaliwa, na mga nagpapatirapa kay Allāh habang ang mga iyon ay mga nagpapakaaba. (48)

Tafsīr
Hindi ba tumingin ang mga tagapagpasinungaling na ito ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni sa mga nilikha Niya? Kumikiling ang mga anino ng mga iyon sa kanan at sa kaliwa dahil sa pagsunod sa paggalaw ng araw at pag-inog nito sa maghapon at dahil sa buwan sa gabi, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ng mga iyon habang mga nagpapatirapa sa Kanya ayon sa pagpapatirapang tunay habang ang mga iyon ay mga aba?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba