Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 64

وَمَا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ الَّذِي اخْتَلَفُوا فِيهِ ۙ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 64 ٦٤

Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kundi upang maglinaw ka sa kanila ng nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at bilang awa para sa mga taong sumasampalataya. (64)

Tafsīr
Hindi nagbaba si Allāh sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān kundi upang maglinaw ka sa lahat ng mga tao ng nagkaiba-iba sila hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh, pagkabuhay, at mga patakaran ng Batas; at na ang Qur'ān ay magiging kapatnubayan at awa para sa mga mananampalataya kay Allāh, sa mga sugo Niya, at sa inihatid ng Qur'ān sapagkat sila ang mga makikinabang sa katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba