Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 67

وَمِنْ ثَمَرَاتِ النَّخِيلِ وَالْأَعْنَابِ تَتَّخِذُونَ مِنْهُ سَكَرًا وَرِزْقًا حَسَنًا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ 67 ٦٧

Mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mga ubas ay gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang nakalalasing at isang panustos na maganda. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. (67)

Tafsīr
Para sa inyo ay may pangaral kaugnay sa itinutustos Namin sa inyo mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mula sa mga bunga ng mga ubas sapagkat gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang pampalasing na nag-aalis ng isip at ito ay hindi maganda, at gumagawa kayo mula rito ng isang panustos na maganda na nakikinabang kayo rito tulad ng datiles, pasas, suka, at pulot. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya para sa mga taong nakapag-uunawa sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba