Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 69)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 69

ثُمَّ كُلِي مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ فَاسْلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلًا ۚ يَخْرُجُ مِنْ بُطُونِهَا شَرَابٌ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهُ فِيهِ شِفَاءٌ لِلنَّاسِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 69 ٦٩

Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng mga bunga saka tumahak ka sa mga landas ng Panginoon mo nang sunud-sunuran.” May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. (69)

Tafsīr
Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng ninanasa mo mula sa mga bunga at tumahak ka sa mga daang ipinahiwatig sa iyo ng Panginoon mo ang pagtahak sa mga iyon bilang pinasunud-sunuran." May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga bubuyog na iyon na pulut-pukyutang nagkakaiba-iba ang mga kulay – nariyan ang puti, ang dilaw, at ang iba pa – na may taglay itong lunas para sa mga tao, na ipinanggagamot nila sa mga sakit. Tunay na sa pagpapahiwatig na iyon sa mga bubuyog at sa pulut-pukyutang lumalabas mula sa mga tiyan ng mga ito ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya para sa mga kapakanan ng mga taong nag-iisip-isip sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba