Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang aliping pinagmamay-ari na hindi nakakakaya ng anuman at sa isang tinustusan Namin mula sa Amin ng isang panustos na maganda kaya siya ay gumugugol mula roon nang palihim at hayagan. Nagkakapantay kaya sila? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (75)
Tafsīr
Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang paghahalimbawa para sa pagtugon sa mga tagapagtambal: May isang aliping pinagmamay-ari na walang-kakayahan sa pagpapasya, na walang naigugugol; at may isang malayang binigyan Namin mula sa taglay Namin ng isang yamang ipinahihintulot, na nakapagpapasya siya rito ng anumang niloloob niya kaya siya ay nagkakaloob mula rito nang patago at hayag ng anumang niloloob niya. Kaya naman hindi nagkakapantay ang dalawang taong ito. Kaya papaano kayong nagpapantay sa pagitan ni Allāh, ang tagapagmay-ari at ang tagapagsagawa sa kaharian Niya ng anumang niloloob Niya, at ng mga anito ninyong walang-kakayahan? Ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa pagbubunyi. Bagkus ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam sa pamumukod-tangi ni Allāh sa pagkadiyos at pagkakarapat-dapat na sambahin Siya lamang.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: