Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 76)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 76

وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا رَجُلَيْنِ أَحَدُهُمَا أَبْكَمُ لَا يَقْدِرُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوْلَاهُ أَيْنَمَا يُوَجِّهْهُ لَا يَأْتِ بِخَيْرٍ ۖ هَلْ يَسْتَوِي هُوَ وَمَنْ يَأْمُرُ بِالْعَدْلِ ۙ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 76 ٧٦

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na dalawang lalaki na ang isa sa kanilang dalawa ay pipi na hindi nakakakaya ng anuman at siya ay isang pabigat sa tagatangkilik niya, na saan man ito magbaling sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan. Nagkakapantay kaya siya mismo at ang sinumang nag-uutos ayon sa katarungan habang at ito ay nasa isang landasing tuwid? (76)

Tafsīr
Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isa pang paghahalintulad para sa pagtugon sa kanila. Ito ay paghahalintulad sa dalawang lalaki na ang isa sa dalawa sa kanila ay pipi na hindi nakaririnig ni nakabibigkas ni nakaiintindi dahil sa pagkabingi niya at pagkapipi niya, na walang-kakayahan sa pagpapakinabang sa sarili niya at sa pagpapakinabang sa iba pa sa kanya. Siya ay isang pasaning mabigat sa sinumang nagtataguyod sa kanya at tumatangkilik sa nauukol sa kanya at saanmang dako magpadala ito sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan at hindi siya nagtatamo ng isang hinihiling. Pumapantay ba ang sinumang ganito ang kalagayan niya sa sinumang maayos ang pandinig at ang pagbigkas, na ang pakinabang nito ay nakararating sa iba sapagkat ito ay nag-uutos sa mga tao ayon sa katarungan habang ito ay matuwid sa sarili nito sapagkat ito ay nasa isang daang maliwanag na walang pagkalito roon ni kabaluktutan? Kaya papaanong nagpapantay kayo, O mga tagapagtambal, sa pagitan ni Allāh, na nailalarawan sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan, at ng mga anito ninyong hindi dumidinig ni bumibigkas ni nagdudulot ng pakinabang ni pumapawi ng pinsala?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba