Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 93

وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 93 ٩٣

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, subalit [makatarungang] nagliligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa kabutihang-loob Niya]. Talagang tatanungin nga kayo tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa. (93)

Tafsīr
Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, na mga nagkakasundo sa katotohanan. Subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagbigo rito sa katotohanan at sa pagtupad sa mga kasunduan ayon sa katarungan Niya, at nagtutuon para roon sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Talagang tatanungin nga kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba