Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 100)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Kung sakaling kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko, samakatuwid talaga sanang nagkait kayo dala ng takot sa paggugol.” Laging ang tao ay gahaman. (100)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kung sakaling nangyaring kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko na hindi nauubos ni nagwawakas, samakatuwid talaga sanang nagpigil kayo sa paggugol nito dala ng pangamba sa pagkaubos nito upang hindi kayo maging mga maralita." Bahagi ng kalikasan ng tao ay na siya ay maramot maliban kung siya ay naging isang mananampalataya sapagkat siya ay gumugugol dala ng pag-asa sa gantimpala ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: