Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 110)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Dumalangin kayo kay Allāh o dumalangin kayo sa Napakamaawain; sa alin man kayo dumadalangin, taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda. Huwag kang magpaingay sa dasal mo at huwag kang bumulong nito. Maghangad ka sa pagitan niyon ng isang [katamtamang] landas.” (110)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang nagmasama sa iyo ng pagdalangin sa pamamagitan ng pagsabi mo ng o Allāh, O Raḥmān (Napakamaawain): "Ang mga katagang Allāh at Raḥmān (Napakamaawain) ay dalawang pangalang ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng alinman sa dalawang ito o sa pamamagitan ng pangalang iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga pangalan Niya sapagkat taglay Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga pangalang pinakamagaganda. Ang dalawang ito ay kabilang sa mga pangalang iyon kaya dumalangin kayo sa pamamagitan ng dalawang ito o iba pa sa mga ito na kabilang sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda. Huwag kang magpaingay sa pagbigkas sa dasal mo para marinig ka ng mga tagapagtambal at huwag kang maglihim nito para hindi ka marinig ng mga mananampalataya. Maghanap ka ng isang paraang katamtaman sa pagitan ng dalawang magkasalungatan."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: