Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 111)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 111

وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي لَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَلَمْ يَكُنْ لَهُ وَلِيٌّ مِنَ الذُّلِّ ۖ وَكَبِّرْهُ تَكْبِيرًا 111 ١١١

Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na hindi gumawa ng isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katangkilik dahil sa kaabahan,” at dakilain mo Siya nang [lubos na] pagdadakila. (111)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa mga uri ng mga papuri, na nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng anak at nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng katambal sapagkat walang katambal sa Kanya sa paghahari Niya at walang dumadapo sa Kanya na kaabahan at pagkahamak, kaya hindi Siya nangangailangan ng mag-aadya sa Kanya at kakatig sa Kanya. Dumakila ka sa Kanya nang maraming pagdakila saka huwag kang mag-ugnay sa kanya ng isang anak ni ng isang katambal sa paghahari ni isang tagapag-adya na tagatulong."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba