Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 12)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gumawa Kami sa gabi at maghapon bilang dalawang tanda, saka pumawi Kami sa tanda ng gabi at gumawa Kami sa tanda ng maghapon bilang nagbibigay-paningin upang makapaghanap kayo ng kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo at upang makaalam kayo sa bilang ng mga taon at pagtutuos. Ang bawat bagay ay dinetalye Namin sa isang pagdedetalye. (12)
Tafsīr
Nilikha ang gabi at ang maghapon bilang dalawang palatandaang nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at kakayahan Niya dahil sa taglay ng dalawang ito na pagkakaiba-iba sa haba at ikli, at sa init at lamig. Gumawa Kami sa gabi bilang tagapagpadilim para sa pamamahinga at pagtulog at gumawa Kami sa maghapon bilang tagatanglaw upang maghanap kayo ng panustos ni Allāh na itinakda Niya para sa inyo dahil sa kabutihang-loob Niya at upang matutunan ninyo sa pamamagitan ng pagsasalitan ng dalawang ito ang bilang ng mga taon at ang kinakailangan ninyo na pagtutuos ng mga yugto ng mga buwan, mga araw, at mga oras. Sa bawat bagay ay naglinaw Kami ayon sa isang paglilinaw upang mabatid ang [pagkakaiba-iba ng] mga bagay at lumiwanag ang tagapagtotoo mula sa tagapagbulaan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: