Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 2

وَآتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَاهُ هُدًى لِبَنِي إِسْرَائِيلَ أَلَّا تَتَّخِذُوا مِنْ دُونِي وَكِيلًا 2 ٢

Nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at gumawa Kami niyon bilang patnubay para sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos:] “Huwag kayong gumawa sa iba pa sa Akin bilang pinananaligan.” (2)

Tafsīr
Nagbigay Kami kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah at gumawa Kami niyon bilang tagapatnubay at bilang tagagabay para sa mga anak ni Israel. Nagsabi Kami sa mga anak ni Israel: "Huwag kayong gumawa ng iba pa sa Akin bilang pinananaligang ipinagkakatiwala ninyo roon ang mga nauukol sa inyo, bagkus manalig kayo sa Akin lamang."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba