Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 33)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh [na patayin] malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan ay nagtalaga Kami sa katangkilik niya ng isang kapamahalaan, ngunit huwag siyang magpakalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya. (33)
Tafsīr
Huwag kayong pumatay ng taong nagsanggalang si Allāh sa buhay nito dahil sa isang pananampalataya o isang katiwasayan maliban kung naging karapat-dapat ito sa pagpatay dahil sa isang panunumbalik sa kawalang-pananampalataya o dahil sa isang pangangalunya matapos ng isang pag-asawa o dahil sa isang ganting-pinsala. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan nang walang isang kadahilanang pumapayag sa pagpatay rito ay nagtalaga nga Kami para sa sinumang tumatangkilik sa nauukol dito kabilang sa mga tagapagmana nito ng isang pangingibabaw laban sa pumatay rito. Kaya karapatan niya na humiling ng isang pagpatay sa pumatay bilang ganting-pinsala, karapatan niya ang magpaumanhin nang walang isang kapalit, at karapatan niya ang magpaumanhin at kumuha ng bayad-pinsala, ngunit huwag siyang lumampas sa hangganan na pinayagan ni Allāh para sa kanya sa pamamagitang ng pagluray-luray sa pumatay o sa pamamagitan ng pagpatay sa pumatay dahil sa hindi nito pinatay o sa pamamagitan ng pagpatay ng iba pa sa pumatay. Tunay na siya ay laging aalalayan at tutulungan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: