Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 40)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya ba humirang sa inyo ang Panginoon ninyo sa [pagkakaroon ng] mga anak na lalaki at gumawa Siya mula sa mga anghel ng mga [anak na] babae? Tunay na kayo ay talagang nagsasabi ng isang sinasabing sukdulan! (40)
Tafsīr
O kayong nag-aangkin na ang mga anghel daw ay mga babaing anak ni Allāh, nagtangi ba sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tagapagtambal, sa [pagkakaroon ng] mga lalaki kabilang sa mga anak at gumawa Siya para sa sarili Niya sa mga anghel bilang mga babaing anak? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa mga sinasabi ninyo! Tunay na kayo ay talagang nagsasabi laban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang sinasabing lumalabis sa kapangitan yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak, at naggigiit kayo na ukol sa Kanya ang mga babaing anak bilang pagpapakalabis sa kawalang-pananampalataya sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: