Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 53

وَقُلْ لِعِبَادِي يَقُولُوا الَّتِي هِيَ أَحْسَنُ ۚ إِنَّ الشَّيْطَانَ يَنْزَغُ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلْإِنْسَانِ عَدُوًّا مُبِينًا 53 ٥٣

Sabihin mo sa mga lingkod Ko na sabihin nila ang siyang higit na maganda. Tunay na ang demonyo ay nagpapasigalot sa pagitan nila. Tunay na ang demonyo, para sa tao, ay laging isang kaaway na malinaw. (53)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Kong mga nananampalataya sa Akin na sabihin nila ang kaaya-ayang salita kapag nakikipagtalakayan sila at iwasan nila ang masagwang salita na nagpapalayo ng loob dahil ang demonyo ay nagsasamantala nito sapagkat nagpupunyagi siya sa pagitan nila sa anumang nanggugulo sa kanila sa buhay nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang demonyo, para sa tao, ay laging isang kaaway na maliwanag ang pangangaway kaya kailangan sa tao na mangilag sa kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba