Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 54

رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِكُمْ ۖ إِنْ يَشَأْ يَرْحَمْكُمْ أَوْ إِنْ يَشَأْ يُعَذِّبْكُمْ ۚ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا 54 ٥٤

Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa inyo. Kung loloobin Niya ay kaaawaan Niya kayo, o kung loloobin Niya ay pagdurusahin Niya kayo. Hindi Kami nagsugo sa iyo sa kanila bilang pinananaligan. (54)

Tafsīr
Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa inyo sapagkat walang nakakukubli sa Kanya mula sa inyo na anuman. Kung loloobin Niya na kaawaan kayo ay kaaawaan Niya kayo sa pamamagitan ng pagtutuon sa inyo sa pananampalataya at gawang maayos. Kung loloobin Niya na pagdusahin kayo ay pagdurusahin Niya kayo sa pamamagitan ng pagbigo sa inyo sa pananampalataya at pagbibigay-kamatayan sa inyo sa kawalang-pananampalataya. Hindi nagpadala si Allāh sa iyo, O Sugo, sa kanila bilang pinananaligang pipilit sa kanila sa pananampalataya, pipigil sa kanila sa kawalang-pananampalataya, at mag-iisa-isa sa kanila ng mga gawa nila. Ikaw ay isang tagapagpaabot lamang buhat kay Allāh ng ipinag-utos Niya sa iyo na ipaabot.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba