Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 59)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang pumigil sa Amin na magsugo Kami ng mga tanda maliban na nagpasinungaling sa mga ito ang mga sinauna. Nagbigay Kami sa [liping] Thamūd ng dumalagang kamelyo bilang [himalang] nakikita ngunit lumabag sila sa katarungan dito. Hindi Kami nagsusugo ng mga tanda kundi bilang pagpapangamba [nang sa gayon magpasakop sila]. (59)
Tafsīr
Hindi Kami huminto sa pagpapababa ng mga palatandaang pisikal na nagpapatunay sa katapatan ng Sugo, na hiniling ng mga tagapagtambal gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at mga tulad nito, malibang dahil Kami ay nagpababa ng mga ito sa mga kalipunang nauna ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito. Nagbigay nga Kami sa [lipi ng] Thamūd ng isang dakilang tandang maliwanag, ang dumalagang kamelyo, ngunit tumanggi silang sumampalataya rito kaya minadali Namin sila sa pagdurusa. Hindi Kami nagpapadala ng mga tanda sa mga kamay ng mga sugo kundi bilang pagpapangamba sa mga kalipunan nila nang sa gayon sila ay magpapasakop.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: