Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 68)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 68

أَفَأَمِنْتُمْ أَنْ يَخْسِفَ بِكُمْ جَانِبَ الْبَرِّ أَوْ يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ وَكِيلًا 68 ٦٨

Kaya natiwasay ba kayo na baka magpalamon Siya sa inyo sa gilid ng katihan o baka magpadala Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo ng isang pinananaligan? (68)

Tafsīr
Kaya natiwasay ba kayo, O mga tagapagtambal, nang nagligtas sa inyo si Allāh papunta sa katihan na baka gumawa Siya ritong gumuguho sa inyo? O natitiwasay ba kayo na baka magpababa Siya sa inyo ng mga bato mula sa langit, na magpapaulan sa inyo ng tulad ng ginawa Niya sa mga kababayan ni Lot, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo ng isang tagapangalagang mangangalaga sa inyo ni ng isang tagapag-adyang magtatanggol sa inyo laban sa kapahamakan?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba