Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 71)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] ang araw na tatawag Kami sa bawat [pangkat ng] mga tao sa pamamagitan ng pinuno nila. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng talaan nila at hindi lalabagin sa katarungan nang gahibla. (71)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na mananawagan Kami sa bawat pangkat sa pamamagitan ng pinuno nito, na tinutularan nito noon sa Mundo. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng mga talaan nila habang mga pinagagalak at hindi sila kukulangan ng anuman mula sa mga pabuya sa kanila, kahit pa man umabot ito sa kaliitan nito sa sukat ng hiblang nasa bitak ng buto ng datiles.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: