Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 72)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 72

وَمَنْ كَانَ فِي هَٰذِهِ أَعْمَىٰ فَهُوَ فِي الْآخِرَةِ أَعْمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلًا 72 ٧٢

Ang sinumang narito [sa Mundo] ay bulag [ang puso], siya sa Kabilang-buhay ay bulag at higit na ligaw sa landas. (72)

Tafsīr
Ang sinumang sa buhay na ito sa Mundo ay bulag ang puso sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapasakop dito, siya sa Araw ng Pagbangon ay higit na matindi sa pagkabulag kaya hindi siya napapatnubayan para sa daan ng Paraiso, at higit na ligaw sa daan palayo sa kapatnubayan. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba