Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 73)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 73

وَإِنْ كَادُوا لَيَفْتِنُونَكَ عَنِ الَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ لِتَفْتَرِيَ عَلَيْنَا غَيْرَهُ ۖ وَإِذًا لَاتَّخَذُوكَ خَلِيلًا 73 ٧٣

Tunay na halos sila ay talagang tutukso sa iyo palayo sa ikinasi Namin sa iyo upang gumawa-gawa ka laban sa Amin ng iba pa rito [sa ikinasi]; at samakatuwid, talaga sanang gumawa sila sa iyo bilang matalik na kaibigan. (73)

Tafsīr
Talaga ngang kamuntik na ang mga tagapagtambal na magpalihis sa iyo, O Sugo, palayo sa ikinasi Namin sa iyo na Qur'ān upang lumikha-likha ka laban sa Amin ng iba pa rito na umaalinsunod sa mga pithaya nila. Kung sakaling gumawa ka ng ninais nila mula roon, talaga sanang hinirang ka nila bilang minamahal.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba