Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 7)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[O mga anak ni Israel,] kung gumawa kayo ng maganda ay gumawa kayo ng maganda para sa mga sarili ninyo at kung gumawa kayo ng masagwa ay para sa mga ito. Kaya kapag dumating ang pangako ng huling [panggugulo ay pangingibabawin ang mga kaaway ninyo] upang humamak sila sa mga mukha ninyo, upang pumasok sila sa Masjid [sa Jerusalem] kung paanong pumasok sila sa unang pagkakataon, at upang dumurog sila sa anumang nangibabaw sila nang [lubos na] pagdurog. (7)
Tafsīr
Kung nagpaganda kayo, O mga anak ni Israel, ng mga gawain ninyo at nagsagawa kayo ng mga ito sa paraang hinihiling, ang gantimpala niyon ay babalik sa inyo sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga gawa ninyo. Kung nagpasagwa kayo ng mga gawain ninyo, ang kahihinatnan niyon ay laban sa inyo sapagkat si Allāh ay hindi nakikinabang sa pagpapaganda ng mga gawa ninyo at hindi napipinsala ng pagpapasagwa ng mga ito. Kaya kapag nangyari ang ikalawang panggugulo ay magpapangibabaw Siya sa inyo ng mga kaaway ninyo upang humiya sila sa inyo. Gagawa sila ng masagwang gawa nang hayagan sa mga mukha ninyo dahil magpapalasap sila sa inyo ng mga uri ng kaabahan upang pumasok sila sa Jerusalem at manira roon gaya ng pagpasok nila roon at pagsira nila roon sa unang pagkakataon, at upang magwasak sila ng nagapi nila na bayan nang buong pagwasak.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: