Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 97)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 97

وَمَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُمْ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِهِ ۖ وَنَحْشُرُهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ عُمْيًا وَبُكْمًا وَصُمًّا ۖ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ كُلَّمَا خَبَتْ زِدْنَاهُمْ سَعِيرًا 97 ٩٧

Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh, siya ay ang napapatnubayan; ngunit ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para sa kanila ng mga katangkilik bukod pa sa Kanya. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon [na kinakaladkad] sa mga mukha nila bilang mga bulag, mga pipi, at mga bingi. Ang kanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing humuhupa ay nagdaragdag Kami sa kanila ng liyab. (97)

Tafsīr
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan, siya ay ang napapatnubayan nang totohanan; ngunit ang sinumang itinatatwa Niya palayo roon at inililigaw Niya ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kanila ng mga katangkilik na papatnubay sa kanila tungo sa katotohanan, magtutulak palayo sa kanila ng kapinsalaan, at magdudulot sa kanila ng pakinabang. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon habang kinakaladkad sila sa mga mukha nila nang hindi nakakikita, hindi nakabibigkas, at hindi nakaririnig. Ang tuluyan nila na kakanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing tumitighaw ang lagablab nito ay nagdaragdag Kami sa kanila ng pagliliyab.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba