Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin]noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib saka nagsabi sila: “Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan.” (10)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagpakandili ang mga kabataang mananampalataya dahil sa pagtakas dahil sa relihiyon nila saka nagsabi sila sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa ganang Iyo ng isang awa sa pamamagitan ng pagpapatawad Mo sa amin sa mga pagkakasala namin at pagliligtas Mo sa amin mula sa mga kaaway namin. Gumawa Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa paglikas palayo sa mga tagatangging sumampalataya at [nauukol] sa pananampalataya, ng isang pagkapatnubay tungo sa daan ng katotohanan at isang pagkatama."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: