Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 14

وَرَبَطْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ إِذْ قَامُوا فَقَالُوا رَبُّنَا رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَنْ نَدْعُوَ مِنْ دُونِهِ إِلَٰهًا ۖ لَقَدْ قُلْنَا إِذًا شَطَطًا 14 ١٤

Nagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi: “Ang Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].” (14)

Tafsīr
Nagpalakas Kami sa mga puso nila sa pamamagitan ng pananampalataya, katatagan dito, at pagtitiis sa pag-iwan sa mga tinubuang-bayan, nang tumindig sila habang mga nagpapahayag sa harapan ng haring tagatangging sumampalataya ng pananampalataya nila kay Allāh lamang saka nagsabi sila rito: "Ang Panginoon Naming sinampalatayanan namin at sinamba namin ay ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa. Hindi kami sasamba sa anumang iba pa sa Kanya na mga diyos na ipinagpapalagay ayon sa kasinungalingan [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, kung sumamba Kami sa iba sa Kanya, ng isang pananalitang mapaniil na malayo sa katotohanan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba