Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 20

إِنَّهُمْ إِنْ يَظْهَرُوا عَلَيْكُمْ يَرْجُمُوكُمْ أَوْ يُعِيدُوكُمْ فِي مِلَّتِهِمْ وَلَنْ تُفْلِحُوا إِذًا أَبَدًا 20 ٢٠

Tunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman.” (20)

Tafsīr
Tunay na ang mga kababayan ninyo, kung makababatid sa inyo at makaalam sa pook ninyo, ay papatay sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng bato o magpapabalik sa inyo sa kapaniwalaan nilang nakalihis, na kayo dati ay nakabatay roon bago nagmagandang-loob si Allāh sa inyo ng kapatnubayan tungo sa relihiyon ng katotohanan. Kung bumalik kayo roon ay hindi kayo magtatagumpay magpakailanman: hindi sa buhay na pangmundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus malulugi kayo sa dalawang ito ng pagkaluging mabigat dahilan sa pag-iwan ninyo sa relihiyon ng katotohanang ipinatnubay sa inyo ni Allāh at sa pagbalik ninyo sa kapaniwalaang nakalihis na iyon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba