Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 22

سَيَقُولُونَ ثَلَاثَةٌ رَابِعُهُمْ كَلْبُهُمْ وَيَقُولُونَ خَمْسَةٌ سَادِسُهُمْ كَلْبُهُمْ رَجْمًا بِالْغَيْبِ ۖ وَيَقُولُونَ سَبْعَةٌ وَثَامِنُهُمْ كَلْبُهُمْ ۚ قُلْ رَبِّي أَعْلَمُ بِعِدَّتِهِمْ مَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا قَلِيلٌ ۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمْ إِلَّا مِرَاءً ظَاهِرًا وَلَا تَسْتَفْتِ فِيهِمْ مِنْهُمْ أَحَدًا 22 ٢٢

Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa nakalingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipagtaltalan hinggil sa kanila [sa bilang] malibang ayon sa pakikipagtaltalang hayag at huwag kayong magsiyasat hinggil sa kanila mula sa mga iyon sa isa man.” (22)

Tafsīr
Magsasabi ang ilan sa mga tagapagtalakay sa kasaysayan nila tungkol sa bilang nila: "Sila ay tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila." Magsasabi naman ang iba sa mga iyon: "Sila ay lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila." Ang kapwa pangkatin ay nagsabi lamang ng sinabi nito bilang pagsunod sa palagay nila nang walang patunay. Magsasabi pa ang iba sa mga iyon: "Sila ay pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila." Sabihin mo, O Sugo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa bilang nila kundi kaunting kabilang sa tinuruan ni Allāh ng bilang nila. Kaya huwag kang makipagtalo, hinggil sa bilang nila ni hinggil sa iba pa rito na mga kalagayan nila, sa mga May Kasulatan ni sa iba pa sa mga ito malibang ayon sa pakikipagtalong hayag na walang kalaliman doon, sa pamamagitan ng pagkakasya sa bumaba sa iyo na pagkasi patungkol sa kanila. Huwag kang magtanong sa isa kabilang sa mga iyon hinggil sa mga detalye patungkol sa kanila sapagkat tunay na ang mga iyon ay hindi nakaalam niyon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba