Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 28

وَاصْبِرْ نَفْسَكَ مَعَ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ وَلَا تَعْدُ عَيْنَاكَ عَنْهُمْ تُرِيدُ زِينَةَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَا تُطِعْ مَنْ أَغْفَلْنَا قَلْبَهُ عَنْ ذِكْرِنَا وَاتَّبَعَ هَوَاهُ وَكَانَ أَمْرُهُ فُرُطًا 28 ٢٨

Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan. (28)

Tafsīr
Mag-obliga ka sa sarili mo sa pagsama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila ng panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghiling sa simula ng maghapon at wakas nito, habang mga nagpapakawagas sa Kanya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng pakikisama sa mga may kayamanan at kamaharlikaan. Huwag kang tumalima sa sinumang ginawa Namin ang puso niya na nalilingat sa pag-alaala sa Amin sa pamamagitan ng pagtatakip Namin dito, kaya nag-utos siya sa iyo ng pagpapalayo sa mga maralita buhat sa pagtitipon mo at nagpauna siya ng pinipithaya ng sarili niya kaysa sa pagtalima sa Panginoon niya habang ang mga gawain niya ay naging pagkasayang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba