Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagakaya. (45)
Tafsīr
Maglahad ka, O Sugo, para sa mga nalilinlang sa Mundo, ng isang paghahalintulad. Ang paghahalintulad sa Mundo sa paglalaho nito at bilis ng pagwawakas nito ay tulad ng tubig ng ulan na pinababa Namin mula sa langit. Tumubo sa pamamagitan ng tubig na ito ang halaman ng lupa at nahinog ito, saka ang halamang ito ay naging nagkadurug-durog na nagkalugsu-lugso. Tinatangay ng hangin ang mga bahagi nito patungo sa ibang mga dako kaya nanumbalik sa lupa gaya ng dati. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Kumakaya: hindi Siya napawawalang-kakayahan ng anuman, saka nagbibigay-buhay Siya sa anumang niloob Niya at lumilipol Siya sa anumang niloob Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: