Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 51)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 51

مَا أَشْهَدْتُهُمْ خَلْقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَا خَلْقَ أَنْفُسِهِمْ وَمَا كُنْتُ مُتَّخِذَ الْمُضِلِّينَ عَضُدًا 51 ٥١

Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig. (51)

Tafsīr
Itong mga ginawa ninyo bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin ay mga aliping mga tulad ninyo. Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit ni sa paglikha sa lupa nang nilikha Ko ang mga ito. Bagkus hindi sila noon mga umiiral. Hindi Ko pinasaksi ang iba sa kanila sa paglikha sa iba pa sapagkat Ako ay ang Namumukod-tangi sa paglikha at pangangasiwa. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagpaligaw kabilang sa mga demonyo ng tao at jinn bilang mga katulong sapagkat Ako ay walang-pangangailangan sa mga katulong.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba