Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 56)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 56

وَمَا نُرْسِلُ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ ۚ وَيُجَادِلُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوا بِهِ الْحَقَّ ۖ وَاتَّخَذُوا آيَاتِي وَمَا أُنْذِرُوا هُزُوًا 56 ٥٦

Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh at sa mga sugo] sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya. (56)

Tafsīr
Hindi Kami nagpapadala ng ipinadadala Namin na mga sugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima, at bilang mga tagapagpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway. Wala silang pangingibabaw sa mga puso sa pagdala sa mga ito sa kapatnubayan. Nakikipag-alitan ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo sa kabila ng kaliwanagan ng patunay sa kanila upang maalis nila sa pamamagitan ng kabulaanan nila ang katotohanang pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Gumawa sila sa Qur'ān at sa anumang ipinangangamba sa kanila bilang katatawanan at bilang panunuya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba