Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling magpapanagot Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan. (58)
Tafsīr
Upang hindi mag-asam-asam ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pakikipagmadalian sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusa, nagsabi si Allāh sa kanya: "Ang Panginoon mo, O Propeta, ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga nagbabalik-loob, ang may awa na sumakop sa bawat bagay." Bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapalugit sa mga suwail nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya. Ngunit kung sakaling Siya – pagkataas-taas Siya – ay magpaparusa sa mga taga-ayaw na ito, talaga sanang nag-apura Siya para sa kanila ng pagdurusa sa buhay na pangmundo subalit Siya ay Matimpiin, Maawain, na nag-antala sa kanila ng pagdurusa upang magbalik-loob sila. Bagkus may ukol sa kanila na isang pook at isang panahon na mga tinakdaan, na gagantihan sila sa mga iyon dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pag-ayaw nila kung hindi sila nagbalik-loob. Hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang madudulugan na dudulugan nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: