Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hinggil sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayaman para sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na umabot silang dalawa sa katindihan nilang dalawa at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawa bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ako gumawa niyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.” (82)
Tafsīr
Tungkol sa bakod na inayos ko at minasama mo sa akin ang pag-ayos niyon, iyon ay pag-aari ng dalawang munting batang lalaki sa lungsod na pinuntahan natin, na namatay na ang ama nilang dalawa. Sa ilalim ng bakod ay may kayamanang nakalibing para sa kanilang dalawa. Ang ama ng dalawang batang ito noon ay maayos. Kaya nagnais ang Panginoon mo, O Moises, na tumuntong silang dalawa sa gulang ng kasapatang isip, na lumaki silang dalawa, at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawang nakalibing sa ilalim niyon, yayamang kung sakaling bumagsak ang bakod sa sandaling iyon ay talagang malalantad ang kayamanan nilang dalawa at sasailalim sa pagkawala. Ang pakanang ito ay isang awa mula sa Panginoon mo sa kanilang dalawa. Ang anumang ginawa ko mula sa pagpupunyagi ko, iyon ang paliwanag sa hindi mo kinaya ang pagtitiis doon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: