Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 96)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 96

آتُونِي زُبَرَ الْحَدِيدِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا سَاوَىٰ بَيْنَ الصَّدَفَيْنِ قَالَ انْفُخُوا ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَعَلَهُ نَارًا قَالَ آتُونِي أُفْرِغْ عَلَيْهِ قِطْرًا 96 ٩٦

Magbigay kayo sa akin ng mga kimpal ng bakal.” Hanggang sa nang nagpantay siya sa pagitan ng dalawang bangin ay nagsabi siya: “Umihip kayo.” Hanggang sa nang nakagawa siya rito na apoy ay nagsabi siya: “Magbigay kayo sa akin, magbubuhos ako rito ng lusaw ng tanso.” (96)

Tafsīr
Maghatid kayo ng mga piraso ng bakal." Kaya naghatid sila ng mga ito saka nagsimula siya na nagpapatayo sa pamamagitan ng mga ito sa pagitan ng dalawang bundok hanggang sa nang nagpantay siya sa dalawang ito sa pamamagitan ng pagpapatayo niya. Nagsabi siya sa mga manggagawa: "Magpaliyab kayo ng apoy sa mga pirasong ito." Hanggang sa nang namula ang mga piraso ng bakal ay nagsabi siya: "Maghatid kayo sa akin ng tanso, magbubuhos ako nito roon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba