Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 17)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 17

فَاتَّخَذَتْ مِنْ دُونِهِمْ حِجَابًا فَأَرْسَلْنَا إِلَيْهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرًا سَوِيًّا 17 ١٧

Saka gumawa siya, sa pagbukod sa kanila, ng isang lambong, saka nagsugo Kami sa kanya ng Espiritu Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos. (17)

Tafsīr
Saka gumawa siya para sa sarili niya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang panakip na tatakip sa kanya upang hindi sila makakita sa kanya sa sandali ng pagsamba niya sa Panginoon niya, saka isinugo Namin sa kanya si Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga, saka nag-anyo ito sa kanya sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha kaya nangamba siya na ito ay magnais sa kanya ng isang kasagwaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba