Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 26

فَكُلِي وَاشْرَبِي وَقَرِّي عَيْنًا ۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ الْبَشَرِ أَحَدًا فَقُولِي إِنِّي نَذَرْتُ لِلرَّحْمَٰنِ صَوْمًا فَلَنْ أُكَلِّمَ الْيَوْمَ إِنْسِيًّا 26 ٢٦

Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga naman kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao.” (26)

Tafsīr
Kaya kumain ka mula sa mga sariwang datiles, uminom ka mula sa tubig, magpagalak ka ng sarili sa ipinanganak mo, at huwag kang malungkot. Saka kung makakikita ka kabilang sa mga tao ng isa man at nagtanong ito sa iyo tungkol sa lagay ng ipinanganak ay sabihin mo sa kanya: Tunay na Ako ay nagsatungkulin sa sarili ko para sa Panginoon ko ng isang pananahimik sa pagsasalita kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isa man kabilang sa mga tao."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba