Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 58

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنَ النَّبِيِّينَ مِنْ ذُرِّيَّةِ آدَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِنْ ذُرِّيَّةِ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْرَائِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَاجْتَبَيْنَا ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُ الرَّحْمَٰنِ خَرُّوا سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩ 58 ٥٨

Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta kabilang sa mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin [sa daong] kasama kay Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa sinumang pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay sumubsob sila na mga nakapatirapa, na mga umiiyak. (58)

Tafsīr
Ang mga nabanggit na iyon sa kabanatang ito sa pagsisimula kay Zacarias at pagwawakas kay Enoc – sumakanilang dalawa ang pangangalaga – ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila ng pagkapropeta kabilang sa mga anak ni Adan – sumakanya ang pangangalaga – kabilang sa mga anak ng mga dinala ni Allāh sa daong kasama ni Noe – sumakanya ang pangangalaga – kabilang sa mga anak ni Abraham at mga anak ni Jacob – sumakanilang dalawa ang pangangalaga – at kabilang sa itinuon Namin sa kapatnubayan tungo sa Islām, hinirang Namin, at itinalaga Namin bilang mga propeta. Sila noon, kapag nakarinig sa mga tanda ni Allāh na binibigkas, ay nagpapatirapa kay Allāh habang mga umiiyak dala ng takot sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba