Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang anumang ipinawalang-bisa Namin na isang talata o ipinalimot Namin iyon ay magdudulot Kami ng isang higit na mainam kaysa roon o ng tulad niyon. Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan? (106)
Tafsīr
Naglilinaw si Allāh – pagkataas-taas Siya – na kapag nag-aalis Siya ng kahatulan ng isang talata mula sa Qur'ān o nag-aalis Siya ng isang pananalita nito at nalilimutan ito ng mga tao, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagdudulot ng higit na kapaki-pakinabang kaysa rito nang maaga o huli, o ng nakatutulad dito. Iyon ay ayon sa kaalaman ni Allāh at karunungan Niya. Ikaw ay nakaaalam, O Propeta, na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, kaya gumagawa Siya ng niloob Niya at humahatol Siya ng ninanais Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: