Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Magpanatili kayo ng pagdarasal at magbigay kayo ang zakāh. Ang anumang ipinauna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay matatagpuan ninyo ito sa piling ni Allāh. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (110)
Tafsīr
Isagawa ninyo ang pagdarasal nang lubos ayon sa mga saligan nito, mga isinasatungkulin dito, at mga sunnah dito. Ibigay ninyo ang zakāh ng mga yaman ninyo sa mga karapat-dapat dito. Ang anumang ginagawa ninyo na gawaing maayos sa buhay ninyo kaya nag-uuna kayo nito bago ng pagkamatay ninyo bilang impok para sa mga sarili ninyo ay makatatagpo kayo ng gantimpala nito sa piling ng Panginoon ninyo sa Araw ng Pagbangon sapagkat gaganti Siya sa inyo dahil dito. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita kaya gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: