Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 112)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 112

بَلَىٰ مَنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُ لِلَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَلَهُ أَجْرُهُ عِنْدَ رَبِّهِ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 112 ١١٢

Bagkus ang sinumang nagsuko ng mukha niya kay Allāh, habang siya ay gumagawa ng maganda, ay ukol sa kanya ang pabuya sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. (112)

Tafsīr
Papasok lamang sa Paraiso ang bawat nagpakawagas kay Allāh habang bumabaling sa Kanya samantalang siya – kalakip ng pagpapakawagas niya – ay nagpapakahusay sa pagsamba niya sa pamamagitan ng pagsunod sa inihatid ng Sugo. Iyan ay ang papasok sa Paraiso kabilang man siya sa aling pangkat noon. Ukol sa kanya ang gantimpala sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila sa anumang kahaharapin nila mula sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa nakaalpas dahil sa kanila sa Mundo. Ito ay mga paglalarawang hindi nagkakatotoo matapos ng pagdating ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – maliban sa mga Muslim.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba