Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 117)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 117

بَدِيعُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَإِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ 117 ١١٧

Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa, kapag nagtadhana Siya ng isang bagay, ay nagsasabi lamang dito na mangyari saka mangyayari ito. (117)

Tafsīr
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang tagapagtatag ng mga langit, lupa, at anumang nasa pagitan ng mga ito, nang walang naunang kahalintulad. Kapag nagtakda Siya ng isang panukala at nagnais Siya nito ay nagsasabi lamang Siya sa panukalang iyon na mangyari saka mangyayari ito ayon sa ninais Niya na mangyari, nang walang makapipigil sa utos Niya at pagpapasya Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba