Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak [hinggil sa Paraiso] at bilang mapagbabala [hinggil sa Impiyerno]. Hindi ka tatanungin tungkol sa mga maninirahan sa Impiyerno. (119)
Tafsīr
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo, O Propeta, kalakip ng relihiyong totoo, na walang pag-aalangan hinggil dito, upang magbalita ka nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa Paraiso at magbabala ka sa mga tagatangging sumampalataya hinggil sa Impiyerno. Walang tungkulin sa iyo kundi ang malinaw na pagpapaabot. Hindi magtatanong sa iyo si Allāh tungkol sa mga hindi sumampalataya sa iyo kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: