Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nakakikita nga Kami sa pagtuon ng mukha mo sa langit, kaya magbabaling nga Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan ay talagang nakaaalam na iyon ay ang totoo mula sa Panginoon nila. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa nila. (144)
Tafsīr
Nakakita nga si Allāh, O Propeta, sa pagbaling ng mukha mo at pagtingin mo sa dako ng langit dala ng pag-aabang at pagsisiyasat para sa pagbaba ng pagkasi ng pumapatungkol sa qiblah at paglilipat niyon sa kung saan mo iniibig kaya ibabaling ka nga Niya sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon at iibigin mo iyon. Ito ay ang Bahay na Pinakababanal ni Allāh sa halip ng Bahay ng Pinagbanalan ngayon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Bahay na Pinakababanal ni Allāh sa Makkah al-Mukarramah. Saan man kayo naroon, O mga mananampalataya, ay humarap kayo sa dako niyon sa sandali ng pagsasagawa ng dasal. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talagang nakaaalam na ang paglipat ng qiblah ay ang katotohanang pinababa mula sa Tagalikha nila at Tagapangasiwa ng kapakanan nila dahil sa pagtitibay nito sa Kasulatan nila. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagaayaw na ito sa katotohanan. Bagkus Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam doon at maggagantimpala sa kanila roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: