Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 145)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 145

وَلَئِنْ أَتَيْتَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ بِكُلِّ آيَةٍ مَا تَبِعُوا قِبْلَتَكَ ۚ وَمَا أَنْتَ بِتَابِعٍ قِبْلَتَهُمْ ۚ وَمَا بَعْضُهُمْ بِتَابِعٍ قِبْلَةَ بَعْضٍ ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ ۙ إِنَّكَ إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ 145 ١٤٥

Talagang kung naghatid ka sa mga binigyan ng Kasulatan ng bawat tanda ay hindi sila susunod sa qiblah mo. Ikaw ay hindi susunod sa qiblah nila, at ang iba sa kanila ay hindi susunod sa qiblah ng iba pa. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, tunay na ikaw samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan. (145)

Tafsīr
Sumpa man kay Allāh, talagang kung dumating ka, O Propeta, sa mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, na nasasamahan ng bawat tanda at patotoo na ang paglipat ng qiblah ay katotohanan, hindi sila haharap sa qiblah mo dala ng pagmamatigas sa inihatid mo at pagmamalaki laban sa pagsunod sa katotohanan. Ikaw ay hindi haharap sa qiblah nila matapos na ibinaling ka ni Allāh palayo roon, at ang iba sa kanila ay hindi haharap sa qiblah ng iba sa kanila dahil ang bawat isa sa kanila ay nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya sa ibang pangkat. Talagang kung sinunod mo ang mga pithaya ng mga ito hinggil sa pumapatungkol sa qiblah at iba pa rito na mga batas at mga patakaran noong matapos na may dumating sa iyo mula sa kaalamang tumpak na walang pag-aalangan hinggil doon, tunay na ikaw sa sandaling iyon ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pag-iwan sa patnubay at pagsunod sa pithaya. Ang pakikipag-usap na ito ay para sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – dahil sa pahiwatig sa karumalan ng pagsunod sa kanila, gayon pa man tunay na si Allāh ay nagsanggalang sa Propeta Niya laban doon kaya ito ay pagbibigay-babala para sa Kalipunan niya matapos niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba